Ang Parabula ng Mabuting Samaritano
![]() |
Parabula ng Mabuting Samaritano
Tauhan
Tagpuan
Kwento (Lucas 10: 25-37)
Isang araw, isang eskriba na bihasa sa kautusan ang lumapit kay Jesus upang subukin Siya. Tinanong niya si Jesus, “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magtamo ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Jesus, “Ano ba ang sinasabi sa kautusan? Ano ang nababasa mo roon?” Tumugon ang eskriba na dapat ibigin ang Panginoong Diyos nang buong puso, kaluluwa, lakas, at ibigin ang kapwa tulad ng sarili. Sinabi ni Jesus na tama ang kanyang sagot at kung gagawin niya iyon ay magkakamit siya ng buhay na walang hanggan.
Ngunit upang hindi mapahiya, nagtanong pang muli ang eskriba, “Guro, sino po ang aking kapwa?” Bilang sagot, inilahad ni Jesus ang talinghaga ng Mabuting Samaritano.
Isang araw, may isang lalaki na naglalakbay mula sa Jerusalem patungong Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay. Napadaan ang isang pari sa lugar, ngunit lumihis ito ng daan at hindi tumulong. Dumaan din ang isang Levita, ngunit lumakad lamang ito na parang walang nakita.
Pagkatapos, may isang Samaritano na napadaan din sa lugar. Nakita niya ang sugatang lalaki at siya’y nahabag, kaya agad niya itong tinulungan. Nilinis at binendahan niya ang mga sugat ng lalaki. Pagkatapos, isinakay niya ito sa kanyang asno at dinala sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan. Kinaumagahan, nag-iwan siya ng dalawang salaping pilak sa tagapangasiwa ng bahay-panuluyan at nagbilin na alagaan ang lalaki. Sinabi rin niyang babayaran niya ang anumang karagdagang gastusin pagbalik niya.
Matapos isalaysay ni Jesus ang talinghaga, tinanong Niya ang eskriba, “Sa palagay mo, sino sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng lalaking hinarang ng mga tulisan?” Sumagot ang eskriba, “Ang taong tumulong sa kanya.” Kaya’t sinabi ni Jesus, “Kung gayon, humayo ka at gawin mo rin ang gayon.”
Comments
Post a Comment