Ano nga ba ang Kwentong Bayan?

 Kwentong Bayan 

- Ang kuwentong-bayan ay mga kuwento tungkol sa mga likhang-isip na tauhan na sumasalamin sa iba't ibang uri ng tao sa lipunan, tulad ng matandang hari, isang matalinong lalaki, o minsan isang hangal na babae. Karaniwang may kaugnayan ang mga kuwentong-bayan sa isang partikular na lugar o rehiyon ng isang bansa. Kaakibat nito ang mga alamat at mito.


Mga Uri ng Kuwentong-Bayan





Alamat – Ang alamat ay isang kuwentong-bayan na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mga bagay, lugar, o kaugalian, kadalasang may mga elementong pantasya at di-totoong pangyayari. Karaniwang may mga tauhang makapangyarihan o kakaiba, tulad ng mga tao, hayop, o mga nilalang na may natatanging katangian. Ipinapasa ang mga alamat mula sa isang henerasyon patungo sa susunod, kaya’t nagiging bahagi ito ng kultura at kasaysayan ng isang komunidad o rehiyon.




Mito – Ang mitolohiya o mito ay mga kuwentong nabuo batay sa mga paniniwala o relihiyon ng isang partikular na kultura. Karaniwang tinatalakay nito ang mga diyos atnagbibigay-paliwanag sa mga likas na kaganapan, tulad ng kung paano nagkaroon ng hangin o karagatan.















hkjhj


Pabula – Isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o walang-buhay na bagay ang gumaganap bilang mga tauhan, tulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at kuneho at leon. Ang mga pabula ay may natatanging mensahe o aral, lalo na para sa mga batang mambabasa, kaya’t tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.




Parabula – Ang talinghaga o parabula ay isang maikling kuwento na may aral, kadalasang hango sa Bibliya. Ito ay maaaring nasa anyong patula o prosa, at naglalaman ng mga aral tungkol sa moralidad o relihiyon. Di tulad ng pabula, ang parabula ay walang tauhang hayop, halaman, bagay, o puwersa ng kalikasan na gumagalaw at nagsasalita tulad ng tao. Marami sa mga parabula sa Bibliya ay sinabi ni Hesus upang magturo ng mga katangian ng Kaharian ng Diyos.



references:

https://www.padayonwikangfilipino.com/ano-ang-kwentong-bayan-at-uri-nito/

https://prezi.com/cxttwyaulp6d/apat-na-uri-ng-kwentong-bayan/

Comments

Popular Posts